Noong unang panahon, mayroong mga siyentipikong lumabas mula sa kani-kanilang sariling laboratoryo upang subukang tuklasin ang kakaibang mundo ng panitikang pang-agham. Sinubukan nilang sumulat ng mga maiikling kuwento na ang pangunahing tema ay ang mga kasalukuyang banta na dinaranas ng ating mga karagatan dahil sa pagbabago ng klima ng mundo, polusyon sa kapaligiran, at pagsasamantala ng tao sa mga yamang-dagat.
Ang unang bahagi ng pakikipagsapalaran ay natapos na ngayon. Ang imahinasyon ay naging mga salita, at ang mga salita ay naging mga larawan. Ngayon, ibabahagi namin sa iyo ang pakikipagsapalarang ito.
Ang "Noong Unang Panahon . . . Isang Kuwentong Pang-agham - Tomo I" ay isang antolohiya ng siyam na maiikling kuwento, dalawang tula, at isang gabay ukol sa pagtuklas, paggamit, at pangangalaga ng ating kalikasan. Ito ang unang resulta ng pagsisikap ng 29 siyentipiko (ang Once upon a Time Team, OUAT-team) at ang suporta ng ilang mga ilustrador. Ang mga bida sa aklat na ito ay mga bata, matanda, at mga hayop na nakatira sa lupa at sa mga karagatan.